Dakilang Pag-ibig (Radical Love)

CCLI# 7164384
Written by Victor Asuncion, Mico del Mundo, Kit Estrella and Julius Fabregas
©2020 Victory (Admin. by Every Nation Churches & Ministries, Inc.)

Dakilang Pag-ibig (Radical Love)

VERSE 1
Ako’y Iyong natagpuan
Sa gitna ng aking kasawian
Niligtas sa kamatayan
Inakay sa liwanag ng ‘Yong pagmamahal

VERSE 2
Pinalaya ng Iyong habag
Sa dilim at sa ‘king pagkabulag
Ngayon, sa ‘Yong biyaya at sa lalim ng pag-ibig
Umaawit

CHORUS
Ang buhay ko’y tanging sa ‘Yo
Laging sa ‘Yo iaalay
Ang puso ko’y tanging sa ‘Yo
Laging sa ‘Yo, Panginoon

VERSE 3
Walang ibang kaligtasan
Sa ‘Yo, lubos ang kagalingan
Hesus, ako’y nabihag sa dakila
Mong pag-ibig Umaawit

CHORUS

BRIDGE 1 (2X)
Ibibigay lahat, walang alinlangan
Dahil sa buhay na Iyong inialay

BRIDGE 2 (2X)
Sa pagtubos, sa buhay na lubos
Sa krus na ang dulot ay kalayaan ko

CHORUS (2X)