Pagbabalik

CCLI# 7157680
Written by Joahnna Tubalinal, Shy Morante & Caleb Vargas
©2019 Victory (Admin. by Every Nation Churches & Ministries, Inc.)

Pagbabalik

VERSE 1
Ngayon ay aahon
At kakalimutan ang nakaraan
Dilim ng kahapon
Isasantabi na at wawakasan

PRE-CHORUS 1
‘Pagkat ang liwanag ng pag-ibig Mo
Ay ilaw, gabay sa pagbabalik ko

CHORUS
Aawitin ang Iyong katapatan at kadakilaan
Sasayaw sa saliw ng lawak ng Iyong pagmamahal

Lulundag sa lalim ng kabutihan ng Iyong hangarin
O ang lahat ng Iyong mga anak
Magbabalik sa ‘Yo, Ama

VERSE 2
Ipagdiriwang at ihahayag ang kalayaan
‘Di papaalipin, hindi na muling magpapabihag

PRE-CHORUS 2
At sa bawat sulok ng buong mundo
Ihahayag tanging pangalan Mo

CHORUS

BRIDGE
Ama, walang katulad
Ang pangako at pag-ibig na alay
Hesus, Ikaw ang Daan,
Tanging Katotohanan at Buhay
Lahat ay magagalak

CHORUS

TAG
Magbabalik sa ‘Yo, Ama
Magbabalik sa ‘Yo, Ama
Magbabalik sa ‘Yo, Ama