Sandigan (voice memo)

CCLI# 7189583
Written by Jem Cubil, Keiko Necesario-Cubil, Ephraim James De Perio
©2021 Victory (Admin. by Every Nation Churches & Ministries, Inc.)

Sandigan (voice memo)

VERSE 1
Gabing
Unang narinig
Ang huni ng Iyong tinig
May dalang magandang balita
Sagot sa lumbay at pangamba
Ay nandito na

VERSE 2
Tanaw
Ningning ng bituin
Ngayong Ikaw ay kapiling
Hatid mo ay kapayapaan
Sa aking pusong nasaktan
Ika’y nandito na

CHORUS
Sa boses Mo lang
Ako’y kakalma
Sa piling Mo lang sapat na
‘Di na magtatanong
‘Di Ka nag kulang
O Hesus, Ikaw ang sandigan
Ikaw ang sandigan

VERSE 3
Walang
Kung sino man
Ang makakanakaw ng ligaya
Na Siyang nagbigay ng lubusan
Sagot sa lumbay at pangamba
Ay nandito na

CHORUS

BRIDGE
Ikaw ang sandigan
Ikaw ang kanlungan
Pang habang buhay
Ikaw ang una at huli

LAST CHORUS
Sa boses Mo lang
Ako’y kakalma
Sa piling Mo lang sapat na
‘Di na magtatanong
‘Di Ka nag kulang
‘Di na mag-iisa
O Hesus, Ikaw ang sandigan
Ikaw ang sandigan