Dakila
Dakila
VERSE:
Sa gabi, ako’y panatag
Pagkat hindi nag-iisa
Sasambitin ang ‘Yong pangalang
Makapangyarihan
VERSE 2:
Hawak Mo ang aking buhay
Sa’yo lamang iaalay
Sasambahin ang ‘Yong pangalang
Makapangyarihan
PRE CHORUS:
Ako’y hindi mangangamba, sa dilim makikita
Ang liwanag ng pangako Mo
CHORUS:
Papurihan Ka, dakila at walang katulad
Aawitan Ka, Ikaw lamang ang sinasamba
Sa yakap Mo tunay ang kapayapaan
[REPEAT VERSE 2]
PRE CHORUS 2:
Katapatan Mo’y lubos, hinding-hindi mauubos
Noon, ngayon at kailanman
[REPEAT CHORUS]
BRIDGE:
Paghihirap ay mapapawi
Pag-ibig Mo’y mananaig Paghihirap ay mapapawi
Pag-ibig Mo’y mananaig
CHORUS:
Papurihan Ka, dakila at walang katulad
Aawitan Ka, Ikaw lamang ang sinasamba
Papurihan Ka, dakila at walang katulad
Aawitan Ka, Ikaw lamang ang sinasamba
Sa yakap Mo tunay ang kapayapaan


Victory Worship